top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PINOYS IGNACIO AT CHUA, NAAAMOY NA ANG TRONO SA WORLD CHINESE POOLMASTERS

  • Eddie M. Paez, Jr
  • Jan 20, 2019
  • 2 min read

HINDI nagpatinag ang mga Pinoy na cue ar­tists na sina Jeffrey Igna­cio ay Johann Chua sa rat­sada ng mga katunggali at ngayon ay nananati­ling malinaw ang daan tungo sa trono ng 7th World Chi­nese Poolmasters Grand Final sa Qinjuanh­dao Olym­pic Sports Center Stadium sa Hebei Pro­vince, China.

Maliban sa isang pag­katalo sa kamay ng Intsik na si Wan Tongle sa gitgi­tang 13-12, mainit si Ig­nacio at kitang-kita ito nang walisin niya sina Phone Myint Kyaw (13-7; Burma), Tang Chunxiao (12-11; China), Jorge Lla­nos (13-4, Argentina), Ameur Abdelati Riad (13-3; Morocco) at Xi Hongyu (13-6, China).

Samantala, naging bik­tima ni Chua, All Japan Champion, sina Aurelian Ungureanu ng Romania (13-5), Chinese Shi Weida (13-11), Moh Keen Hoe ng Malaysia (12-11) bago siya napuntusan ng Chi­nese gem na si Wang Yun sa iskor na 13-9.

Sa pagsasara ng home­stretch ng kompetisyong magkakaloob ng USD 147, 518 (RMB 1,000,000) at isang tropeo sa mag­kakampeon, karamihan ng mga may tsansa pa sa kam­peonato ay puro Chinese cue artists (siyam) at ta­nging sina Ignacio, Chua at ang Amerikanong si Shane Van Boening na lang ang natitirang had­lang sa tangka ng pu­nong-abala na maiuwi ng isang Intsik ang titulo. Su­sunod na bubunuin ni Ig­nacio si Sun Hongrui ng China, ang Intsik na si Yu Haitao ang susubok kay Chua samantalang ang bak­bakang Zheng Yubo-Boe­ning ang masasak­sihan.

May kabuuang 64 na piling manunumbok ang nagsimula sa torneo pero kasama sa mga nag-em­pake na ang mga kilalang personalidad tulad nina Jeffrey De Luna, one time Chinese 8-Ball king Gareth Potts ng England at ang mga Intsik na sina World Chinese 8-Ball no. 1 at no. 3 Zhang Kunpeng at Wan Tongle ayon sa pagkaka­su­nod-sunod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page