top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

NU BULLPUPS, BABAWI LABAN SA ADAMSON SA UAAP JUNIORS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2019
1 min read

MAGTATANGKANG bumawi ang National University sa nalasap na nag-iisang talo noong first round sa muli nilang paghaharap ng Adamson University sa pagpapatuloy ng ikalawang round ng UAAP Season 81 juniors basketball tournament ngayong araw na ito sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kung mananalo sa kanilang laban ngayong 1 p.m., makatitiyak na ang Bullpups ng playoff berth para sa isang Final 4 slot. Sa iba pang laro, mag­tatapat sa huling salpukan ng nakatakdang apat na laban ang reigning titlist Ateneo de Manila at Far Eastern University-Diliman ng 3:00 p.m.

Magbubuhat ang Bullpups na kasalukuyang nangingibabaw taglay ang 8-1 na marka sa tatlong sunod na panalo matapos ang natamong 59-62 kabiguan sa kamay ng Adamson noong Disyembre 12.

Kasalo sa kasalukuyan ng Blue Eaglets sa barahang 6-3 ang Baby Falcons kasunod ng pumapangalawang Baby Tamaraws (7-2) na angat ng isang laro para sa pinaglalabanang ikalawang twice-to-beat slot sa Final 4.

Mauuna rito, magsasagupa sa unang salpukan ng 9 a.m. ang UE (1-8) at DLSU-Zobel (3-6) na susundan ng tapatan ng UP-Integrated School (1-8) at UST (4-5) ganap na 11 a.m. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page