top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Negosyante binaril sa batok, tigok

  • Maeng Santos
  • Jan 20, 2019
  • 1 min read

DEDO ang 46-anyos na negosyente matapos barilin sa batok ng isa sa dalawang hindi kilalang riding-in-tandem sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa batok ang biktimang si Rolando Ruado, 46, ng Bgy. Catmon.

Ayon kina SPO1 Alexander dela Cruz at PO3 Roldan Angeles, alas-3:30 ng hapon, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong service tricycle na kinakargahan ng karne ng baboy kasama ang anim na menor-de-edad habang binabagtas ang kahabaan ng M. H. del Pilar, Bgy. Maysilo nang harangin sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Bumunot ng cal. 45 baril ang nakaangkas at binaril sa batok ang biktima sa harap ng kanyang mga kasamang menor-de-edad bago nagsitakas.

Sa pahayag sa pulisya ng asawa ng biktima na si Josephine, wala siyang alam na kaaway ang kanyang mister maliban sa isang SPO2 Percival Baldemoro, nakatalaga sa Navotas Police na nakatalo ng biktima noong December 31, 2018.

Tiwala naman si Malabon Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao na handa si SPO2 Baldemoro na isailalim sa mga katanungan upang i-clear ang kanyang pangalan kung talagang hindi ito sangkot sa insidente matapos itong banggitin ng asawa ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page