Karapatan ng mga mag-aaral na biktima ng bullying

KAMAKAILAN, kumalat sa social media ang kaganapan sa kilalang unibersidad kung saan ang naging paksa ay ang uri ng bullying ng binatilyo sa kapwa nito binatilyo. Malimit na mayroong bullying sa mga eskuwelahan, lalo na sa elementarya at sekondarya. Ito ang edad kung saan may mga bata na nalilihis sa kagandahang-asal dulot ng impluwensiya ng kanilang kapaligiran at ng pamayanang kanilang ginagalawan. Nang dahil dito, upang maiwasan ang paglaganap ng bullying sa loob ng eskuwelahan ay gumawa ang Kongreso ng batas tungkol sa “bullying”. Ito ay ang Republic Act (R.A.) No. 10627, na pinamagatang “Anti-Bullying Act of 2013”. Ayon sa Section 2 ng R.A. No. 10627 ang mga sumusunod ay tinataguriang aktong pambu-bully: “Sec.2. Acts of Bullying. – For purposes of this Act, “bullying” shall refer to any severe or repeated use by one or more students of a written, verbal or electronic expression, or a physical act or gesture, or any combination thereof, directed at another student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable fear of physical or emotional harm or damage to his property; creating a hostile environment at school for the other student; infringing on the rights of the other student at school; or materially and substantially disrupting the education process or the orderly operation of a school; such as, but not limited to, the following:
a. Any unwanted physical contact between the bully and the victim like punching, pushing, shoving, kicking, slapping, tickling, headlocks, inflicting school pranks, teasing, fighting and the use of available objects as weapons;
b. Any act that causes damage to a victim’s psyche and/or emotional well-being;
c. Any slanderous statement or accusation that causes the victim undue emotional distress like directing foul language or profanity at the target, name-calling, tormenting and commenting negatively on victim’s looks, clothes and body; and
d. Cyber-bullying or any bullying done through the use of technology or any electronic means.”
Ang nasabing mga akto ng bullying o pang-aasar ay hindi pinapayagan dahil na rin sa dulot nitong epekto sa mga batang mag-aaral. Upang hindi magkaroon ng “bullying” sa loob ng paaralan ay inaatasan ng batas ang mga eskuwelahan na magsagawa sila ng kanilang polisiya kung saan ang problema ng bullying ay mabigyan ng kaukulang pansin at solusyon. Maiging mabigyan ng administratibong aksiyon at karampatang disiplina ang mga batang sangkot sa pambubulas upang hindi na nila ulitin pa ang maling gawaing tulad ng bullying sa kanilang mga kamag-aral.
Bukod dito, inaatasan din ang mga paaralan na magsagawa ng counseling para sa mga batang mag-aaral na biktima ng bullying pati na rin ang kanilang mga magulang.
Ang lahat ng eskuwelahan ay kinakailangang magbigay sa kanilang mga mag-aaral ng kopya ng kanilang polisiya tungkol sa anti-bullying. Ang mga polisiyang ito ay isasama sa handbook ng mga mag-aaral at ipapaskil sa mga kitang lugar ng eskuwelahan maging sa kanilang website.
Sa kabila ng lahat ng ito, dapat malaman ng bawat mamamayan ang kahalagahan ng counseling para sa bata na dumaan sa trauma ng bullying, gayundin na mabigyan ng tamang atensiyon ang batang nambu-bully nang sa gayun ay mapaintindi sa kanya na ang kanyang kapwa-tao ay mayroon ding karapatan na tulad ng sa kanya at marapat na ito ay kanyang respetuhin.





Comments