top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ilang empleyado na inaabuso ang puwesto sa gobyerno, sampolan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2019
  • 2 min read

LAHAT tayo ay umaaray sa taas-pa­sahe ngayon, pero wala tayong magawa kundi ang sumunod at umasa na balang-araw ay bababa rin ito tulad noon.

Sa ngayon, may mga batas namang nakatutulong para makayanan natin ang tuluy-tuloy na pagtaas nito tulad ng dis­kuwento sa pamasahe ng mga es­tud­­yante, persons with disability (PWD) at senior citizen na malaki ang naitu­tulong para sa mga ilang komyuter.

Gayunman, marami pa rin ang nag­papasaway kung saan may ilang emple­yado ng gobyerno na ginagamit ang ka­nilang posisyon para lamang makadis­kuwento.

Kaya naman, binalaan ng Depart­ment of Transportation (DOTr) ang kani­lang mga tauhan na ginagamit ang po­sisyon sa gobyerno para lang maka­pang-uto ng mga driver at hindi mag­bayad ng tama dahil ipinrisinta nila ang kanilang I.D. na may katungkulan sila sa gob­yerno.

Sa totoo lang, nakaaawa rin ang ilang mga tsuper dahil pasan nila ang taas-presyo ng gasolina na kinakailangan nila para makapasada.

Dagdag pa rito, habang hindi pa lu­malala ang isyu, sinabi ng DOTr na hin­di nila kukunsintihin ang ganitong asal ng kanilang mga tauhan at agad nila itong tutuldukan.

Palagi nating tatandaan na hindi porke may puwesto tayo sa gobyerno, eh, makukuha natin ang lahat ng bene­pisyo, maging patas naman tayo, lalo na sa mga nangangailangan talaga.

Samantala, ang sinumang emple­yado ng gobyerno ang gagawa ng ga­nito ay maaaring patawan ng parusa at maka­suhan sa ilalim ng Civil Service Laws and Rules.

Kahit kailan, hindi naging tama na abusuhin ang pagiging empleyado ka­hit saang kagawaran man tayo nagtatra­baho!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page