AUV sumalpok sa concrete barrier, driver dedo
- Gina Pleñago
- Jan 20, 2019
- 1 min read

AKSIDENTENG bumangga sa concrete barrier ang minamanehong sasakyan ng 23-anyos na motorista na nasawi sa Muntinlupa City.
Binawian ng buhay nang idating sa Ospital ng Muntinlupa dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Anton Miguel Juntilla ng Lakeview Homes ng nabanggit na lungsod.
Base sa report, nangyari ang aksidente sa eastbound lane sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Muntinlupa City alas-2:00 ng madaling-araw.
Habang minamaneho ng biktima ang Isuzu Sportivo at habang binabaybay nito ang lugar ay hindi nito nakontrol ang preno dahilan upang sumalpok ito sa concrete barriers.
Sa tindi ng impact, nagmistulang total wreck ang kanyang sasakyan kung saan agad isinugod sa nabanggit na ospital ang biktima pero, idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Glen Camaymayan.
Gayunman, iniimbestigahan pa ng pulisya ang nabanggit na self-accident.





Comments