top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

APPLETON, NGANGA SA TIKAS NI ARANAS SA WORLD POOL

Eddie M. Paez, Jr
Jan 20, 2019
1 min read

NAPANGANGA ang batikang si Darren Appleton ng Great Britain sa husay na ipinakita ni Zoren James “Dodong Diamond” Ara­nas, 11-4, kaya ilang hakbang na lang ang layo ng Pinoy sa korona ng 2019 World Pool Series Predator Grand Finale sa Steinway, New York. Ito na ang pangatlong sunod na panalo ni Aranas, na inaasahang magiging susunod na mukha ng Philippine billiards at may-ari ng pitong titulo mula sa 2018 season at pangalawang higanteng pina­bagsak niya. Bago ang panalo sa Briton, itinumba rin ni Aranas ang beteranong si Petri Makonnen ng Finland, 11-7; at si Mike Leahy ng USA, 11-1.

Hindi naman nagpadaig si Dennis “Robocop” Orcullo, pangalawa sa 2018 AZBilliards Moneyboard roster, matapos niyang maungusan ang mga Amerikanong sina Mike Dechaine, 11-9, at Michael Yednak, 11-2, para mapanatili ang malinis na kartada sa prestihiyosong paligsahan na may $25,000 winners’ purse.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page