top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

300,000 foreign workers, wanted sa Japan

Jersey Sanchez
Jan 20, 2019
1 min read

MAHIGIT 300,000 foreign workers ang kailangan ng Japan na magtatrabaho sa 14 industriya sa naturang bansa.

Maglulunsad din ang Japan ng employment track sa Abril kung saan magkakaroon ng tsansa ang mga manggagawa na dalhin ang kanilang pamilya para maging immigrants ang mga ito.

Nagpulong ang mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Japan tungkol sa bagong employment track na “specified skilled worker visa”.

Magiging trainee ang aplikante kung saan ito ay iba sa Technical Internship Training Program (TITP), ayon sa ahensiya.

Sa ilalim ng TITP, limang taon ang kontrata at hindi puwedeng mag-renew o mag-apply ang aplikante pagkatapos ng internship.

Gayunman, ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, puwedeng maging fulltime worker ang TITP workers ngunit, kailangang ipasa muna ang requirements na language proficiency exam at skills test.

Kabilang sa mga industriya sa naturang bansa na nangangailangan ng foreign workers ay may kinalaman sa construction, agrikultura, pagkain at sasakyan tulad ng kotse at barko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page