TENNIS ACADEMY, PROGRAMANG PAMPALAKAS SA KAMPANYA NG PILIPINAS SA INT’L TILT

SIMULA sa taong ito, palalakasin ang programa sa tennis para makatuklas ng bagong players na kakatawan sa ‘Pinas sa international competitions at ang kampanya ay nakasentro sa Southeast Asian Games, Asian Games at Asia-Oceania Davis Cup.
“Sa taong ito uumpisahan ko ang programa para makakuha ng maraming batang may potensiyal na papalit sa national players sa sandaling lisanin nila ang tennis. Sa pamamagitan ng epektibo at long range sustaining programs para magkaroon ng katuparan,” ayon kay Philta president Tony Cabletas.
Kukunin niya ang serbisyo ng mga dating national players na sina Rod Rafael, Cecil Mamiit, Roland So, Felix Barrientos at Raymond Suarez. “Our players will not stay long playing for the country. They will leave the scene when the time comes and look for their replacement to lead the tennis campaign. Kailangan marami tayong mga bagong players na pagpipilian,” wika ni Cabletas.
Aniya pa, lahat ng age group tennis tournaments sa bansa ay kailangang i-sanction ng Philta para magkaroon ng puntos at makapaglaro sa labas at makapagbigay karangalan sa bansa.
Pinaplano rin ang pagpapatayo ng Tennis Academy sa iba’t-ibang lugar sa bansa. “I will push through this project under my administration. Ito ang kulang sa atin. Karamihan sa mga bansang successful ang tennis ay dahil mayroon silang tennis academy,” paliwanag niya.





Comments