Pondo ng iskul, target | TITSER KINATAY NG GRADE 7

DEDO ang isang guro makaraang pagsasaksakin ng kanyang Grade 7 student sa loob mismo ng bahay ng una sa Aurora, Isabela.
Agad namang nadakip sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na menor-de-edad na lalaki na nasa pangangalaga ngayon ng Municipal Social Welfare and Development matapos na mai-turnover ng pulisya.
Batay sa nakarating na ulat kay Police Senior Insp. Villamor Andaya, nakilala ang biktima na si Bobby Galiza, Head Teacher V ng Donya Aurora National High School at residente ng Bgy. Camarunggayan.
Si Galiza ay natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa labas ng kanyang bahay sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan nito.
Nakatakbo pa umano palabas ng bahay ang guro subalit, bigla itong bumulagta sa kalsada.
Lumalabas sa pagsisiyasat na bago pagsasaksakin ang biktima ng estudyante, una munang nilooban nito kasama ang isa pang mag-aaral na Grade 10 ang bahay ni Galiza.
Balak lang umanong pagnakawan ng mga suspek ang bahay ng nabanggit na guro subalit, nanlaban umano kaya nagawa ang pananaksak gamit ang kutsilyo.
Ang kasamahan mismo ng suspek na pinangalanan lamang na “Arnulfo” ang nagturo rito na siyang umatake sa guro matapos naman na matukoy sila sa Closed Circuit Television o CCTV habang papalabas sa bahay ni Galiza.
Ang perang naipon na pondo sa isang palahok sa naturang paaralan ang sanay pakay na nakawin ng mga estudyanteng suspek.





Comments