top of page
Pokwang.jpg

NO HURT FEELINGS KAY WRIGHT, KAHIT WALA SA GILAS TEAM NG FIBA CUP

MC/Clyde Mariano
Jan 19, 2019
2 min read

WALANG sama ng loob si Matthew Wright sa hindi pagkakabilang ng kanyang pangalan sa training pool ng Team Pilipinas na magha­handa para sa 6th window ng FIBA Asian World Cup Qualifiers. Naalis ang Phoenix star sa 14-man pool mula sa anunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas no­ong Martes. “That’s out of my control, I can’t control that. That’s the coach’s decision,” ani Wright. “I wish them all the best.”

Kabilang sa pool sina Andray Blatche, Mark Bar­ro­ca, Roger Pogoy, Ray­mond Almazan, Jayson Cas­tro, Paul Lee, Scottie Thompson, Marcio Lassiter at Gabe Norwood.

Nakumpleto nina Troy Rosario, Japeth Aguilar, Poy Erram at JuneMar Fajardo ang listahan kasama si Christian Standhardinger, na back-up na naturalized player. Kailangan ng Team Pilipinas na magwagi sa huling dala­wang road games kontra Kazakhstan at Qatar sa Pebrero para makuwalipika sa 2019 FIBA World Cup.

Wala raw ibang hangad ang Fil-Canadian kundi ang tagumpay ng Team Pilipi­nas. “I know Andray (Blatche) is back so hopefully we can get two wins. We need those two wins so I wish all those guys the best,” ani Wright, at idinagdag na handa siyang maglaro para sa national team. “Whenever my name is called for the country, ‘Im rea­dy for duty,” saad ni Wright.

Samantala, ipinakita ni rookie Robert Bolick ma kaya niyang makipagsaba­yan sa mga veterans at tinalo ang Batang Pier sa impresibong panalo na ikinagulat ng mga nanood na hindi makapani­wala bilang rookie ay pamu­nuan niya ang scoring ng North Port na tumipa ng game high 26 points noong Miyer­kules ng gabi.

Inamin ni coach Pido Ja­rencio na mabigat ang kani­lang tatahakin tungo sa tuga­tog nang tagumpay na parang umaakyat sila sa bundok at tumatawid sa ilog. Subalit ang kanilang panalo sa Black­water ay pahiwatig na may ibubuga sila.

“The win is morale boost to us. Hopefully, we will sustain the momentum and stay on the right track in our title quest,” sabi ni Jarencio.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page