Kung kinakailangang magkaroon ng health certificate ang mga magtatrabaho sa canteen ng eskuwelahan

Dear Chief Acosta,
Nag-apply ako bilang tagapagluto sa canteen ng eskuwelahan na malapit sa bahay namin, ngunit hindi nila ako tinanggap dahil wala akong health permit. Tama ba ang kanilang ginawa? — Lucia
Dear Lucia,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Presidential Decree No. 856 o Code On Sanitation. Nabanggit sa nasabing batas na:
“Sec. 15. Health Certificates. - No person shall be employed in any food establishment without a Health Certificate issued by the local health authority. This certificate shall be issued only after the required physical and medical examinations are performed and immunizations are administered at prescribed intervals.” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, lahat ng empleyado ng food establishment tulad ng canteen ay kinakailangang magkaroon ng health certificate na galing sa local health authority. Ang kawalan ng nasabing sertipikasyon ay magsisilbing angkop na dahilan upang hindi matanggap ang nag-apply sa naturang establisimyento.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments