top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bulkan nag-alburoto ALERT LEVEL 3, ITINAAS NA

  • Jersey Sanchez
  • Jan 19, 2019
  • 1 min read

ITINAAS sa ikatlong alert level ang status ng sumabog na bulkan sa isang remote island sa Southern Japan.

Ayon sa awtoridad, bawal munang pumasok ang mga residente, partikular sa dalawang kilometrong paligid ng naturang bulkan.

Wala pang naitalang pinsala sa ngayon habang hindi pa rin inililikas ang mga residente dahil sa paniniwala na mayroong malaking impact ang pagsabog ng Shindake Volcano.

Pinaalalahanan ng awtoridad na maghanda ang 100 residente sa isla na pawang matatanda.

Kabilang sa ibinuga ng Mt. Shindake ang pyroclastic flows o pinaghalong abo at gas na umabot hanggang 6,000 kilometro.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page