top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

After mag-away… SUPER TEKLA, MAY KONDISYON BAGO BUMALIK SA SHOW NI WILLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2019
1 min read

BASTA raw ipinatawag siya ni Kuya Wil (Willie Revillame) na muling mag-co-host sa Wowowin ay ready, willing and able si Tekla.

“Huwag lang everyday dahil meron po akong ibang trabahong hinaharap ngayon. Si Kuya Wil ang unang naka-sight ng talent ko. Nagkaroon man kami ng misunderstanding, I am thankful kay Lord na naayos na ‘yun,” sabi ng lalaking alang-alang sa daughter ay umaakting, nagdadamit at nagpapa­tawang mistulang isang baklita.

Kapag tinutukso raw ng kapwa-bata ang anak na si Aira ay ipinaliliwanag niyang he is acting like one, “Para may pambili ako ng gatas, pagkain at mga gamit niya sa Bacolod where she and her mother stay.”

Iniisip niyang ‘pag maa­yos na ang buhay niya ay kakausapin niya ang ex-wife para magsama silang uli sa isang ipapatayong bahay dito sa Metro Manila o sa Bacolod para bumuo ng pamilya alang-alang kay Aira.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page