5TH AT 3RD WIN SA OLIVAREZ AT LYCEUM-LAGUNA SA NCRAA
- A.Servinio
- Jan 19, 2019
- 1 min read

NAKAPAGTALA ang defending champion Olivarez College ng unang ika-limang panalo kontra De La Salle University-Dasmarinas, 70-67, sa pagpapatuloy ng 26th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) sa Ugnayang La Salle. Malaking bagay sa tagumpay ang laro ni John Albert Rabe lalo sa sa huling dalawang minuto.
Ipinasok ni Rabe ang dalawang free throw upang ibalik ang kalamangan sa Sea Lions at naagaw niya agad ang bola at ipinasa ito kay John Uduba upang lumaki sa 66-62 ang lamang at 1:31 ang nalalabi sa orasan.
Naglaro lang ng 19 minuto si Rabe ngunit nanguna siya na may 14 puntos, 6 na rebound at apat na assist. Sinundan siya ni Dwight Saguiguit na may 13 at Vinny Begaso na may 12 puntos at 13 rebound.
Samantala, dumiretso sa kanilang ikatlong sunod na pagwawagi ang Lyceum of the Philippines University-Laguna nang padapain ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, 80-72. Pinasok nina Jeric Terrones at Jem de Ocampo ang pinakamahalagang puntos upang maitaas lalo ang kalamangan sa huling tatlong minuto ng laro. Namuno sa panalo si Jiether Macatangay sa likod ng 15 puntos at anim na assist. Sinundan siya nina Jem de Ocampo na may 13, Amiel Dominic Decena na may 11 at Jerome Santos na may 10 puntos, 12 rebounds at tatlong tapal.
Binuksan ng St. Francis of Assisi College ang araw sa pamamagitan ng paglampaso sa Emilio Aguinaldo College-Cavite, 80-51. Mahalaga ang tagumpay para sa Doves upang makalapit sila sa mga nangungunang paaralan at makapasok sa quarterfinals.





Comments