Tulak nanlaban, dedbol
- Levi Gonzales
- Jan 18, 2019
- 1 min read

TODAS sa pulis ang isa umanong tulak ng iligal na droga matapos manlaban sa Bgy. Lodlod, Lipa City, Batangas.
Batay sa report, alas-12:10 ng hatinggabi nang inilatag ng kapulisan ang buy-bust operation laban sa suspek na si Wilfredo Timola alyas Tawe, 22, ng Bgy. Osorio, Dasmariñas City, Cavite.
Nakabili pa umano ang nagpanggap na buyer ng isang sachet ng shabu kapalit ang markadong pera.
Napansin umano ng suspek na confidential agent ang kanyang ka-deal kung saan agad itong bumunot ng baril saka nagpaputok sa awtoridad.
Masuwerteng hindi umano sila tinamaan hanggang sa sila naman ang gumanti ng putok kung saan tinamaan ang suspek sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Narekober sa crime scene ang isang cal.45 baril ng biktima at ilang pakete ng pinaniniwalaang shabu.





Comments