Tserman niratrat, utas

PATAY sa pananambang ang isang chairman ng barangay sa San Fernando, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Bgy. Magsico Chairman Johnny Arriesgado.
Nahulog pa sa bangin ang multicab na minamaneho ni Arriesgado na idineklara itong dead-on-arrival sa ospital.
Ayon sa hepe ng San Fernando Police Station na si Insp. Lymel Pasquin, patungo sa Cebu City ang kapitan nang mangyari ang krimen.
Tatlong anggulo ang tinitingnan ng pulisya sa pamamaril. Una, ang sinasabing pagkakasangkot sa iligal na droga ni Arriesgado; ikalawa, ang politika at ikatlo ay ang love triangle.
Taong 2017 nang makulong na si Arriesgado dahil sa kasong illegal possession of firearms.





Comments