top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

ST. LOUIS ARCH BISHOPS NI GM SO, PETMALU SA 2019 ONLINE ‘WEBCAM’ PRO LEAGUE

Eddie M. Paez, Jr
Jan 18, 2019
1 min read

NANANATILI ang koponang St. Louis Arch Bishops, sa pangunguna nina Italian-American GM Fabiano Caruana at Pinoy GM Wesley So, sa paghawak ng trangko ng kakaibang international rapid chess team competition na kilala sa bansag na 2019 Pro Chess League at ginaganap habang ang mga manlalaro saan man sila nakapuwesto ay “online” sa internet at gumagamit ng webcam.

Kumamada ng panalo ang tropa nina Caruana at So laban sa London Lions na pinamumunuan ni GM Romain Edouard, 10.5-5.5. Pagkatapos nito, pinadapa ng Arch Bishops ang koponan nina GM Le Quang Liem at GM Ray Robson na kilala sa tawag na Webster Windmills sa iskor na 11.0-5.0.

Susunod na haharapin ng St. Louis, na binubuo rin nina GM Varuzhan Akobian, GM Alejandro Ramirez, GM Benjamin Bok at GM Dariusz Swiercz, ang Montreal Chessbrahs na nakaangkla sa husay nina GM Anish Giri at GM Robin Van Kampen.

Kasama sa nakapagrehistro rin ng maagang liderato ang Australia Kangaroos at Chengdu Pandas. Si GM Anton Smirnov ang angkla ng kampanya ng Kangaroos habang nakasalalay ang malaking bahagi ng laban ng mga Pandas kay world no. 4 chesser Chinese GM Ding Liren.

Ang kakaibang torneo na nasa pangatlong taon na ngayon ay nilalahukan ng mga koponan mula sa iba’t-ibang mga kontinente. Sa kabuuan, 32 teams ang hinati sa apat: Atlantic Division, Eastern Division, Pacific Division at Central Division. Kada division ay may walong koponan.

Ang St. Louis ang nagkampeon noong 2017 samantalang ang Armenian Eagles naman ang kuminang nang husto sa 2018.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page