Riding-in-tandem tumakas sa checkpoint | ANGKAS, UTAS SA PULIS

NASAWI ang isang lalaki makaraang mauwi sa engkuwentro ang pagtakas nito sa inilatag na Comelec checkpoint sa San Ildefonso, Bulacan.
Ayon sa ulat kay Senior Supt. Chito Bersaluna, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang tumakas sa checkpoint sa Barangay Poblacion.
Hinabol ito ng pulisya na nagresulta sa pagpapaputok ng baril ng isa sa mga suspek.
Gumanti ang mga pulis dahilan para bawian ng buhay ang angkas ng motorsiklo habang nakatakas naman ang driver nito.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at tinutugis naman ang isa pa. Nakuha mula sa nasawing suspek ang kalibre .38 na baril.





Comments