top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

PHL WOMEN ATHLETES PALALAKASIN SA VOLLEYBALL, TABLE TENNIS, ETC.

Clyde Mariano
Jan 18, 2019
2 min read

BILANG pagkilala sa mahalagang papel na ginampanan ng mga babaeng atleta sa palakasan, muli na namang aagaw nang pansin sa 2019 Women in Sports na mapapaligsahan sa limang sports na aarangkada sa Harrison Plaza sa Malate, Manila.

“Our women athletes made significant contribution in sports where they gave the Philippines countless honor in various international competitions,” sabi ni PSC Commissioner Dr. Celia Kiram kung saan idinetalye niya ang mahalagang bagay sa torneo sa una niyang pagharap sa TOPS Usapang Sports na ginawa sa National Press Club kahapon.

Limang sports na volleyball, table tennis, handball, netball at futsal ang paglalabanan sa isang linggong torneo na inilunsad ng PSC upang bigyan ang mga kababaihang atleta ng tsansa na maipakita ang kanilang angkin husay at galing para sa ‘Pinas sa mga international sports competitions. “The launching of the sports event by PSC ostensibly to give them the opportunity to showcase their God-given talents and share honors with their male counterparts,” pahayag ni Kiram.

Ang mga kabayanihan nina Hidilyn Diaz, Margielyn Didal, Lydia de Vega-Mercado, Elma Muros-Posadas, Mona Sulaiman, Erlinda Lavandia, Josephine de la Vina, Bong Coo, Lita de la Rosa, Arianne Cerdena, Lyn Tabora at ibang female athletes ng nagdaang panahon ay nagbigay ng maraming karangalan sa bansa. “They gave countless honors and enshrined themselves in the world sports and earned the respect and recognition of their foreign peers,” sabi ng dating Pencak Silat president at unang Muslim na naging PSC Commissioner.Sina Diaz, silver medalist sa 2016 Brazil Olympics at Asian weightlifting queen, at Didal ay nanalo ng ginto sa 2018 Asian Games sa Indonesia. Bilang breeding ground ng women athletes, umaasa si Kiram na marami pang matutuklasan na bagong atleta sa limang sports na paglalabanan sa torneo sa ilalim ng pamumuno ni PSC Chairman William Ramirez.

Maraming atletang kababaihan ang natuklasan mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa 5th Women in Sports Martial Arts Festival na nilahukan ng may 1,300 mga atleta kasama ang mga taga-Baguio, Aklan, UST, UE, at Taguig. Humakot ang Highlanders ng kabuuang 9-11-6 total medals sa arnis, 9-7-4 sa MuayThai, Aklan 9-0-3 sa pencak silat, UST sa judoka 10-5-5, UE sa fencing 4-3-9, at Taguig sa karatedo 10-7-5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page