Most wanted criminal timbog
Pabs Hernandez III
Jan 18, 2019
1 min read
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa hideout nito sa Bgy. Buluan, Ipil sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Felix delos Santos, residente ng Basilisa, Dinagat Island
Nabatid na dinakip ng pulisya si Delos Santos sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at child abuse.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments