Kelot tinodas ng armado
Pabs Hernandez III
Jan 18, 2019
1 min read
QUEZON—Isang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Roland Garcia, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na lulan ng tricycle si Garcia nang lapitan ito ng suspek at saka pinagbabaril hanggang sa mapatay.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments