Ingat sa delikadong anti-rabies vaccine


BABALA! Isang anti-rabies vaccine ang maaari umanong maglalagay sa panganib sa buhay ng sinumang matuturukan nito.
Ito ang inilabas na warning ng Food and Drugs Administration (FDA) kasunod ng rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III laban sa Verorab.
Isang anti-rabies vaccine na hindi umano rehistrado na orihinal na gawa ng Sanofi Pasteur.
Wala umano itong label ng FDA-Licensed Philippine Importer at Distributor; FDA Registration Number (BR-514); Rx symbol at wala ring barcode.
Kasabay nito, inalerto na rin ng FDA ang mga ospital at lahat ng Local Government Units (LGUs) na tiyaking hindi ito maipamamahagi o maibebenta.
Nagbabala rin sa mga nagbebenta ng nasabing gamot na maaari silang mapatawan ng parusa.
Sa rami ng problema ng bansa, hindi pa nga natatapos ‘yung sa kontrobersiyal na dengue vaccine, heto na naman.
Kaya hindi talaga masisi na may ibang natatakot nang magpabakuna pero, hindi naman ‘yun pupuwede dahil mas lalo tayong malalagay sa panganib.





Comments