top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Giyera sa pagitan ng Duterte gov't. at CBCP, bad sa paningin ng ibang bansa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2019
2 min read

KAYA HATE NI P-DU­TERTE ANG CBCP KASI IMBES NA GAYAHIN ANG INC SA PAGLINGAP SA MGA NANGANGA­ILA­NGAN, PAG-ATAKE SA GOB­YER­NO ANG INA­ATUPAG — Nilingap ng kapatiran ng Iglesia ni Cristo (INC) na pinamu­mu­nuan ni Bro. Eddie V. Manalo sa pama­ma­gitan ng pag­bibigay ng relief goods at iba pang kagamitan ang may 127 pamilyang na­su­nugan sa Oban­do, Bulacan noong Enero 15, 2019.

Marahil, kaya na­ga­galit si P-Duterte sa ilang Obispo kasi imbes na tularan ang ginagawang mabilis na aksiyon at pag­lingap ng INC sa mga taong nanga­nga­ilangan ng tu­long, eh, ang inaatu­pag ay batikusin ang kanyang gobyerno, boom!

◘◘◘

BANGAYANG DUTERTE GOV’T. AT CBCP, BAD SA PANINGIN NG IBANG BANSA—Nais ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III na pag-ayusin ang CBCP at si P-Du­terte.

Magandang suhes­tiyon ‘yan kasi sa totoo lang, puma­pangit na ang pan­i­ngin ng ibang bansa sa Pilipinas dahil sa walang humpay na bangayan ng gob­yerno at Catholic Church, period!

◘◘◘

COURT OF TAX APPEALS, DAPAT I-ABOLISH NA —Shocked ang publiko nang iabsuwelto uma­no ng Court of Tax Appeals (CTA) sa P428 million tax case ang isa sa tinagu­riang “pabaon general” na si ex-AFP General Comptroller Chief Jacinto Ligot.

Para saan ba ang CTA, itinatag ba ito para proteksiyunan ang mga “buwaya” sa lipunan? Mantakin n’yo, matapos iabsu­welto ng CTA sa P40 million tax case ang anak ni Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles na si Jeane Napoles no­ong December 10, 2017 at iabsuwelto sa P27.3 million tax case si ex-Congressman Mikey Arroyo noong December 6, 2018, heto ngayon si ex-Gen. Ligot naman ang inabsuwelto sa P428 million tax case.

Aba, kung gan­yan, dapat i-abolish na ng Senado at ng Kamara ang CTA kasi mistulang itinatag ito para iabsuwelto ang mga kilalang perso­na­lidad na may tax evasion case, bu­wisit!

◘◘◘

SALOT NA VK NI ‘“RICO”, UN­TOUCH­ABLE SA JURISDICTION NI LAGUNA PNP DIRECTOR MATTA—Hanggang ngayon ay namamayagpag daw ang mga salot na Video Karera ni “Rico” sa buong Laguna.

Kung ganu’n, untouchable pala sa jurisdiction ni Laguna PNP Director, Sr. Supt. Eleazar Matta ang raket ni “Rico”, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page