8 sasakyan nagkarambola

SUGATAN ang isa katao makaraan magkarambola ang walong sasakyan na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa Taguig City, kahapon ng umaga.
Sa ngayon ay patuloy na inaalam pa ang pangalan ng sugatang biktima na agad namang dinala ng rescue team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pinakamalapit na ospital.
Ayon sa ulat ng MMDA, kahapon ng alas-10:06 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa southbound lane ng C5-Mckinley Road, Taguig City.
Nagkarambola ang isang 22-wheeler truck, tatlong kotse, pick-up, van, motorsiklo at bus.
Dahil sa aksidente, ang ilan sa mga sasakyan ang nagpatung-patong.
Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Asst. Secretary Celine Pialago, may hinala sila na nawalan ng preno ang truck na nagresulta sa karambola.





Comments