top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

“BALBAS NI BRONER, BONUS NA LANG KUNG MALAGAS”-PACMAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 18, 2019
2 min read

MAGANDANG laban ang matutunghayan ng mga Pilipino sa Linggo (Enero 20) sa pagitan nina Manny Pacquiao at Adrien Broner sa Las Vegas, USA, iyan ang natitiyak ni Donnie “Ahas” Nietes, ang pinakamatagal na kampeon sa boksing ng Pilipinas.

Ani Nietes, na kagagaling lang sa panalo noong Disyembre sa “Pinoy Pride Presents: Nietes vs Ioka,” hindi basta-basta ang makakaharap ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs), na itataya ang kanyang WBA Welterweight world championship belt. “Magandang laban iyon dahil magaling ‘yun si Broner,” pahayag ni Nietes sa isang panayam sa ABS-CBN.

May record na 33-3-1 at 24 knockouts si Broner na kilala sa kanyang matinding depensa at pagiging dating kampeon sa WBA Welterweight division. Pero paninindigan ni Nietes na magwawagi pa rin dito si Pacquiao na sa edad 40 ay nananatiling mabilis at malakas, tulad niya. “Sa tingin ko, kung hindi mapatumba ni Manny si Broner, kakayanin naman sa decision,” paliwanag ng pambato ng Murcia, Negros Occidental.

Sa Cebu panonoorin ng 36-anyos at bagong WBO Super Flyweight world champion ang bakbakang Pacquiao-Broner, kung saan siya nag-eensayo para sa next fight. Gumawa ng kasaysayan si Nietes kamakailan lang pagkatapos maging ikatlong Pinoy boxer na nagkampeon sa apat na weight division, kasama nina Pacquiao at Nonito Donaire Jr.Samantala, bonus na lamang daw para kay Pacman kung mapapatumba niya si Broner, “He is well prepared for this fight and I, we, Team Pacquiao is well prepared for this fight,” aniya. “We’ll do our best. If the knock out comes (that) will be a bonus,” sagot ni Pacquiao sa tanong ni facilitator Al Bernstein, ng Boxing Hall of Fame analyst sa final presser kahapon. Nais din ng Pinoy boxing icon na bigyan ang manonood ng magandang laban. “What we are trying to do here is ... as long as the people are happy, and the fans will be happy,” aniya.

Samantala, isang pamilyar na pangalan sa entertainment circuit ng New York at New Jersey ang aawit ng Philippine National anthem sa labanang Pacquiao-Broner. Si Angel Ram, isang Fil-Am based sa Tri-State area ang aawit ng Lupang Hinirang kasama ang singing pastors pag-akyat sa ring ni Pacquiao sa MGM Grand Garden Arena. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page