top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Trabahador arestado | FOREMAN KINATAY SA DAYCARE CENTER

Janice Baricuatro
Jan 17, 2019
1 min read

ISANG foreman ang dedbol matapos pagsasak­sakin ng kanyang trabahador sa loob ng daycare center na kanilang ginagawa kama­kalawa ng hapon sa Silang, Cavite.

Kinilala ang bikima na si Ricardo Silao, 51, may asawa, foreman, residente ng Bgy. Pulong Bunga. Arestado na­man ang suspek na si Ramil Cañeso, 33, construction wor­ker, re­sidente ng Bgy. Adlas.

Sa nakalap na ulat mula sa pulisya, alas-3:30 ng ha­pon, nag-iinuman umano ang biktima at suspek kasama ang iba pang mga trabahador sa loob ng daycare center na ginagawa ng mga ito.

Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng bik­tima at suspek.

Ikinapikon ito ng suspek na tumahimik lamang nang awatin ng kanilang mga ka­inuman.

Dahil sa kalasingan, na­katulog ang biktima sa upuan at dito na nakakuha ng pag­kakataon ang suspek saka pi­nagsasaksak ang biktima.

Matapos nito, tumakbo palabas ang suspek upang tumakas na nakita ni Marlon Gustilo, kapwa trabahador at nasaksihan ang pangya­yari kaya naaresto ang sus­pek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page