top of page

Pahiwatig na dapat ng baguhin ang buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 17, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Angelo ng Angelo_Dela_Cruz@face book.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na mayroon daw dalawang putol na paa, pero naka­sapatos at ang suot ay guwantes at hindi med­yas, pero hindi ko ‘yun mga paa. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Angelo

Sa iyo Angelo,

Isang klase ng surreal dreams ang napanagi­ni­pan mo. Ang surreal dreams ay ang mga panaginip na kakaiba na kadalasan ay hindi pangkaraniwan at medyo malayo sa katoto­hanan.

Alam mo, iho, sa ka­saysayan ng paglikha ng mga larawan o pagdo-dra­wing, minsan nang su­mi­kat ang mga larawan na may surreal ideas. Naging ma­bili ang mga ito at ma­kikita na halos lahat ng mga opi­sina at tahanan ay may mga surreal image.

Nabuhay at naging aktibo noon ang larangan ng sining sa pagguhit, ma­raming alagad ng si­ning ang yumaman dahil ang halaga o presyo ng sur­real images ay mahal kaysa sa mga pangkarani­wang pandekorasyon sa bahay.

Dahil kakaiba at bihi­rang makita ang ganitong mga larawan, naging ta­kaw-mata ang mga ito sa sinumang madaraan o makasusulyap. Ang ta­kaw-matang mga larawan na ‘yun, kapag iyong na­tanaw ay mapahihinto ka ng mga ilang minuto kung saan titingnan mo lang ang larawan.

Bukod sa takaw-mata, ang mga ito ay takaw-isip din dahil mapaiisip ka habang tinitingnan mo ito dahil dito, ito ay takaw-oras din.

Kaya kung may prob­lema ka, makalilimutan mo ang iyong mga prob­lema at kung may iniinda kang karamdaman, maka­lilimu­tan mong may sakit ka pala at kung bigo ka sa bu­hay, magbabago ang iyong pakiramdam dahil ang ka­biguan ay iyong makalili­mutan.

Hindi ba, mas ma­ganda ang mga surreal na imahe kaysa sa mga uso ngayon na mga larawan ng animé na iginuguhit ng maraming kabataan? At mas maganda ito kaysa sa mga estatuwa ng mga mo­dernong tulad nina Spi­derman, Batman, Su­per­man, Aquaman at iba pa?

May isa pa kaming ibabalita sa iyo, ang mga surreal na imahe umano na pinagkaguluhan noon ay mula sa mga panaginip ng mga artist o sikat na mangguguhit ng ating ka­saysayan kung saan gi­nawa nila ito nu’ng tayo ay nakararanas ng pag­bag­sak ng ekonomiya at ma­raming malalaking kum­panya ang nalugi.

Ito, Angelo, ay nagsa­sa­bing, ang tao pala ay da­pat maghanap ng kaka­ibang paraan, ‘yung hindi pa nasusubukan ng iba, ibig sabihin, “try new things”.

Kaya, para sa iyo, new formula o new style ang ka­ilangan mo na hindi na­man mahirap maunawaan ngayon dahil sa totoo lang, hindi natin nama­malayan na tayo ay nasa surreal na panahon.

Tingnan mo, iho, noon, sino ba ang may gustong magsuot ng mga sirang pan­talon? Noon, hindi ma­ganda ang sobrang fit at ayaw ng tao ng maaalat na pagkain, pero ngayon sa hindi malamang dahilan, kung ano ang mga pagka­ing sobrang maalat ay ‘yun ang pinagkakagu­luhan.

Matuwa ka dahil ang iyong panaginip ay nagtu­turo sa iyo kung paano mo babaguhin ang iyong buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

1 Comment


Russy Tv
Russy Tv
Apr 18

Pano po kapag napaniginipan mo ung tao na sumasayaw tapos mamaya ay nawala ang katawan at paa na lang amg natira tapos ung paa na un na nakita mo eh sumasayaw parin kahit wala na ang katawam neto at ang mga nanunuod ay nagulat at natakot at ang huli ay tinakpan mo ng kumot kasi nga ganun na ung nangyare

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page