top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung walang nag-ingay, P75 bilyong pondo ng bayan, swak sa bulsa ng mga 'buwaya'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 17, 2019
  • 2 min read

SABLAY ANG ‘PASABOG’ NI SEC. LOCSIN—Ibinulgar ni DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr., na tinangay daw ng kontratista ang data ng mga passport holder at dahil diyan, nag-panic ang publiko dahil baka magamit sa masama ang data na nakalagay sa kanilang mga pasaporte.

Ito na ang siste, hindi naman pala nawawala ang data, dahil ayon kay ex-DFA Sec. Perfecto Yasay, ang may kontrol daw ng data ay DFA at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at nang magbusisi ang mga DFA personnel ay napatunayang walang ninakaw na data sa DFA.

Kung ganu’n, ‘yun palang pasabog ni Sec. Locsin sa isyung ito na ipinag-panic ng publiko ay sablay, boom!

◘◘◘

KUNG HINDI NAG-INGAY SI ANDAYA, BAKA ANG P75 BILYONG PERA NG BAYAN, NAPUNTA SA BULSA NG MGA BUWAYA SA GOBYERNO—Dahil sa ibinulgar ni Majority Leader Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr. na sabit si Budget Sec. Benjamin Diokno sa P332 bilyon “flood control scam” dahil ang perang ito ng bayan ay inilagay sa mga lugar na hindi naman binabaha ay nagpasya ang Senado na tanggalin na ang P75 bilyon kaban ng bayan na isiningit ng budget secretary ngayong 2019 National Budget na pam-projects ng mga kontratistang may konek sa Mala­cañang.

Buti na lang nag-ingay sa isyung ito si Andaya kung hindi, malamang sa bulsa ng mga “buwayang” opisyal ng gobyerno at kontratista napunta ang perang ito ng bayan, period!

◘◘◘

P-DUTERTE, ATRAS NA RAW SA CBCP?—Pumalag na ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) sa mga pag-atake ni P-Duterte sa mga taga-Simbahan at sa Diyos at dahil sunud-sunod na ang pambabatikos ng mga Obispo sa pangulo ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na handa raw ang pangulo na “makipag-ayos” sa CBCP.

Akala ba natin, matapang si P-Du­terte, pero ngayon, porke pumapalag na ang mga taga-Simbahan, eh, ang gusto, “makipag-areglo” na sa CBCP, he-he-he!

◘◘◘

NEXT TIME, DAPAT HUWAG NANG MAKINIG ANG PA­NGULO SA TSISMIS — Ayon sa PDEA, wala sa kanilang records na sangkot sa droga ang limang PNP officials na pinangalanan ni P-Du­terte na sabit daw sa kalakaran ng shabu sa Bacolod City.

Next time, dapat huwag nang makikinig sa tsismis si P-Duterte kasi nasisira niya ang dignidad ng mga taong wala namang kinalaman sa sindikato ng droga, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page