top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hired killer timbog

Levi Gonzales
Jan 17, 2019
1 min read

SINALAKAY ng mga awtoridad ang sinasa­bing miyembro ng gun-for-hire group sa Bgy. Laiya Aplaya, San Juan, Batangas.

Alas-5:45 ng hapon nang puntahan nila ang bahay ng suspek na si Antonio Robledo, kung saan bitbit nila ang search warrant na inisyu ng korte.

Hinalughog nila ang kabahayan at tumambad ang isang cal. 9mm pistol at mga bala.

Batay sa nakalap na impormasyon ng pu­lisya, ang suspek umano ay kabilang sa sindi­katong VINO Group na nag-o-operate sa Batan­gas at maging sa karatig-lugar.

Naghahanap pa ng ibang ebidensiya na magpapatunay sa mga iligal na gawain ng suspek habang nasa kustodiya siya ng San Juan, Batangas Police Station.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page