Kaya keri lang kung forever alone ka, besh! PAGYAKAP SA PUNO, GOOD SA HEALTH!
- Donna Thea Topacio
- Jan 17, 2019
- 2 min read

IBA ang feeling kapag may yumayakap sa atin hindi ba? Kaibigan, pamilya o karelasyon man natin ito, pero paano kung wala na talaga tayong makasama o ‘yung tinatawag na “forever alone”? Oks lang ‘yan dahil knows ba ninyong ang pagyakap sa mga puno ay kering makapagbigay ng benepisyo sa ating kalusugan? Amazing!
Ayon sa aklat ng Blinded by Science na isinulat ni Matthew Silverstone, may mga pag-aaral nang nagpatunay kung saan sinabi ng mga eksperto na may magandang benepisyo ang mga halaman sa buhay ng tao.
Pero, bukod dito, ang pagyakap umano sa puno ay nakae-enhance ng immune system, gayundin kapag kinausap daw natin ang puno, mas gumaganda ang ating mental at emosyunal na kalusugan dahil ang mga puno umano ay good listener, quiet, trustworthy at nand’yan para sa atin ng walang hinihinging kapalit maliban sa pag-aalaga sa kanila.
Gayunman, ang pagyakap sa puno ay nakai-increase ng lebel ng ating hormone na tinatawag na oxytocin o kilala rin bilang “love drug”. Ito ang responsable upang maramdaman natin ang pagiging kalmado, kaya ang pagyakap sa puno ay nakatutulong upang mas maging masaya tayo.
Sa ngayon, marami sa atin ang hindi na nakakakita ng magandang puno dahil karamihan sa mga ito, eh, pinutol na at ang mga bukid ay tinayuan na ng mga establisimyento.
Kaya ang payo ng mga eksperto, mainam kung kada buwan ay nakapag-a-unwid pa rin tayo, magbakasyon o umuwi ng probinsiya nang sa gayun ay maipahinga natin ang ating katawan at isip.
Samantala, nakakatawa man isipin o weird, mainam naman sa ating kalusugan, kaya walang masama kung ating susubukan, gayundin, paalala sa lahat na huwag sanang ubusin ang puno rito sa ating bansa dahil marami talaga itong naitutulong sa atin.
‘Ika nga ni Leonora Speyer, “The trees are God’s great alphabet, with them, He writes in shining green, across the world his thoughts serene”.
Kaya mga beshy, oks lang pala kung wala tayong kayakap sa gabi at kahit mukhang imposible, hindi masama kung yayakapin o kakausapin natin ang mga puno, basta make sure lang na wala itong hantik dahil baka imbes na sumaya tayo, eh, magkaroon pa tayo ng kati-kati! Hi-hi-hi!
Okiee?





Comments