top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Bukod sa pag-eehersisyo, mga besh… MGA PARAANG DAPAT GAWIN UPANG MABAWASAN ANG BILBIL

Jersy Sanchez
Jan 17, 2019
2 min read

HEY, hey hey! 2019 na at for sure, marami pa rin ang gustong pumayat. Hmmm… aminin! Kaya mga bessy, narito ang iba’t ibang paraan upang mabawasan ang mga taba sa ating katawan:

  1. HAVE MORE PROTEIN. Ayon sa mga eksperto, ang protein ay nakabu-boost ng metabolism, gayundin, ang pagkain ng high-protein food ay nakatutulong sa pagpapapayat. Kabilang sa mga pagkaing mayaman sa protina ay isda, manok, itlog, keso, mani at beans. Alam n’yo na, ha?

  2. EAT EARLY DINNER. Ayon sa pag-aaral, ang maagang pagkain ng hapunan, partikular tuwing alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi ay magandang paraan upang magpalit ang fats at carbohydrate burning pattern. Sa ganitong paraan, mas mabilis ang pagtunaw ng taba sa katawan.

  3. SPICY FOOD. Ang maaanghang na pagkain, partikular na ang sili ay mayroong capsaicin kung saan ito ay nakatutulong upang gumanda ang metabolism at nakatutunaw din ito ng taba. Gayunman, ang paggamit ng ibang spices sa pagkain tulad ng paprika at turmeric ay may parehong epekto sa katawan.

  4. AVOID ALCOHOL. Ang alak ay walang calories, in short, walang sustansiyang makukuha mula rito. Gayundin, kapag madalas uminom ng alak ang indibidwal, mas mataas ang tsansa na maging excess fat ito kapag hindi na-burn.

  5. AVOID LIQUID CALORIES. High-sugar coffee, fruit juice at smoothie — ang mga inuming ito ay maaaring magdulot ng malalang cravings sa matatamis na inumin o pagkain. Ang mga sugar na hindi matutunaw ay puwede ring maging excess fat na hindi natin gugustuhin. ‘Yun lang!

  6. LOW INTENSITY CAR­DIO. Sobrang easy lang nito, mga lodi! Puwedeng paglalakad, pagba-bike at pagtakbo sa thread mill sa loob ng 30 minuto. Ang mga ehersisyong ito ay nagbibigay-daan para taba ang gamitin nating enerhiya sa pag-eehersisyo.

  7. PRIORITIZE SLEEP. Yes, naman! Pagtulog ang oras kung kailan napapahinga at nare-repair ang ating katawan, gayundin, ang mga muscle ay lumalaki at nagre-recover. Ayon sa pag-aaral, ang walong oras na tulog ay nakababawas ng excess fats.

Ngayong 2019, make sure na magiging habit ninyo ang isa sa mga ito nang sa gayun ay unti-unti ninyong magawa ang matagal n’yo nang gusto — ang magpapayat!

Have a healthy lifestyle, mga bessy!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page