11 huli sa aktong nagsa-shabu
- Janice Baricuatro
- Jan 17, 2019
- 1 min read

KULONG ang 11 katao na pawang mga naaktuhang nagpa-pot session sa isang drug den habang nakatakas ang target ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Bgy. Zapote 1, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jimbo Villalon, 19; Najila Macasipar, 28, vendor; Manuel Tito, 52; Alvin Empillo, 30; Michael de Leon, 44; Rose Anne Mampata, 32, vendor; Manuel Samson, 54; Arnold dela Peña, 48; Kevin Peralta, 27; Liza Gregorio, 44, at Alvince Ariola, 18, construction worker, pawang mga residente ng Bacoor City habang nakatakas naman ang target ng operasyon na si Dino Richard Sapitanan, SLT listed ng pulisya at may-ari ng drug den.
Alas-5:00 ng hapon nang ikasa ang drug-bust laban sa suspek na si Sapitanan.
Kasama ang PDEA 4A, nilusob ng mga ito ang lugar kung saan nakatira ang suspek sa Bgy. Zapote 1, Bacoor, subalit, nakatakbo ang suspek habang naabutan ng pulisya ang grupo ng 11 suspek sa loob ng drug den at nagsasagawa ng pot session.
Nakakuha ang pulisya ng 34 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng mga shabu na may timbang na 6.96 grams at nagkakahalagang P47,328, drug money at drug paraphernalias.





Comments