top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

10 GOLD MEDAL SA SEAG BILLIARDS, “KAYA NATING MAKUHA!”-DJANGO

Clyde Mariano
Jan 17, 2019
2 min read

KUNG si billiard coach Francisco Bustamante ang masusunod gusto niyang ku­nin lahat ang 10 gintong nakataya sa billiards sa South­east Asian Games na gagawin sa ‘Pinas.

“Gusto ko kunin lahat para masaya tayong lahat at mapanatili ang dominance natin sa SEA Games. Kaya dahil magagaling ang mga players natin hasang-hasa at battle-tested sa pakikipag­laban sa labas,” sabi ni Bus­tamante sa eksklusibong panayam matapos panoorin ang mga manlalaro na nag­sasanay sa billiard hall sa second floor sa Philippine Centre for Sports Medicine kung saan matatagpuan ang judo, wrestling at wushu gym.

Sampu ang gintong pag­la­labanan, anim sa pool, isa sa carom, isa snooker at dala­wa sa English billiard. “Mala­kas tayo sa pool. Mabigat ang laban natin sa carom, snooker at English billiards. Kaya natin manalo,” wika ng dating World pool champion na taga-Tarlac kilala sa palayaw na Django hango sa western movie Django gi­nam­panan ni Franco Nero.

Ayon kay Bustamante halos araw-araw ang ensayo ng mga Pinoy para mahasa nang husto at gumaling bilang paghahanda sa SEA Games. “Regular ang kanilang ensa­yo umaga at hapon. Kaila­ngang handa sa oras nang laban para masiguro ang panalo,” ani Bustamante.

Dinomina ng mga Pinoy ang pool events sa dalawang SEAG na ginawa sa Singa­pore at Malaysia sa kabaya­nihan nina Dennis Orcullo, Warren Kiamco, Carlo Bia­do, Chezka Centeno at Ru­bilyn Amit.

“Nasa atin ang advantage dahil dito sa atin gagawin ang SEAG. Mataas ang morale dahil magtsi-cheer sa kanila ang kanilang mga kababayan,” sambit ni Bustamante.

Laging nag-uuwi ng karangalan ang billiard players sa mga international tournaments at inaasahang mu­ling mangingibabaw ang mga Pinoy tulad ng ginawa nila sa Singapore at Malaysia. Ang billiards na kasama sa 56 sports ay lalaruin sa 30th edition 11-nation biennial meet sa ‘Pinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page