PORTER, DATING NAGPATUMBA KAY BRONER, MAY PAHABOL NA PAYO


NAKORNER ng FightHype si dating welterweight belt-holder Shawn Porter (29-2-1, 17 KO) para hingan ng kanyang komento sa nalalapit na bakbakang Manny Pacquiao vs. Adrien Broner sa Linggo.
Tinalo kasi ni Porter si Broner noong 2015 at maipagmamalaki din niya ang panalo kina Danny Garcia, Andre Berto, Paul Malignaggi at Julio Diaz. Nang banggitin niya ang hinggil sa punching power ni Broner , sabi ni Porter, “I don’t believe in his punching power. I definitely believe in his speed but we gotta look at the track record for the last 3 fights. Is he using his speed? If he uses his speed, he makes it an interesting fight... He makes it a good fight. I don’t think it’s a fight that he wins but he does make it interesting.”
Nang tanungin naman si Porter kung ano ang tsansa ni Broner para talunin si Pacquiao? “He’s gotta be able to counter Manny,” dagdag ni Porter. “So, he shouldn’t walk Manny down? “No, he doesn’t have to walk Manny down. You walk many down and you’re walking into everything.”
Ang pinagsama bang bilis at epektibong counterpunching ang mabisa para magdiwang ang Amerika kay Broner? Noong 2015, ginamit ni Porter ang matutulis na jab para makadikit kay Broner at sirain ang diskarte ni ‘The Problem’ sa kabuuan ng laban. Pero kahit kuma-counter si Broner, nagpapadapo ng malilinis na kaliwang upak at kanang uppercuts sa laban, nagkulang pa rin upang tapatan ang tikas, sipag at pagka-agresibo ni Porter. Pagdating ng 12th round ay napa-knockdown si Broner, huli na para makabawi pa si Adrien. Dalawang judges ang nagbigay kay Porter ng mga iskor na 114-112 at 115-111 habang ang ikatlong judge ay may 118-108 pabor kay Porter. (MC/Alvin Olivar)





Comments