top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pinahoholdap at pinapapatay sa mga tambay | OBISPO KAY P-DU30: KUNG MATAPANG KA, MAGLAKAD KA MAG-ISA

Madel Moratillo
Jan 16, 2019
1 min read

BINUWELTAHAN ni Novaliches Bishop Emeri­tus Teodoro Bacani, Jr. si Pangulong Rodrigo Duterte matapos manawagan sa mga tambay na holdapin at pa­tayin ang mga Obispo na kanilang makikita sa kalye.

Hamon naman ni Bacani kay Pangulong Duterte, ga­yahin ang mga Obispo na nag­lalakad nang walang armas at walang bodyguards sa mga ordinaryong lansangan.

Giit ni Bacani, kung ta­lagang matapang ang pa­ngulo, maaari niyang subu­kan ang ginagawa ng mga Obispo na maglakad sa lan­sangan nang walang anu­mang pag-aalinlangan.

“Alam n‘yo kaming mga Obispo naglalakad kami, wala kaming bodyguard, wala kaming bullet-proof vests, wala kaming mga security aid na nakapaligid na marami, wala kaming dalang baril, ganu’n kami.Ang challenge ko kay Pre­sident Duterte kung tala­gang matapang siya, simple lang, gawin niya ‘yung gi­nagawa namin,” pahayag ni Bacani sa panayam ng Church-run Radio Veritas.

Hindi naman na bago para kay Bacani ang naturang ‘biro’ ng pangulo laban sa Simbahan, mga Obispo, mga pari at pananampalatayang Katoliko.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page