top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga Pinoy, mas tiwala sa Amerika kaysa mga kina-kaibigang bansa ni P-Duterte na China at Russia?! H

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2019
2 min read

ANG resulta sa pinakabagong pagsusuri kung sino ang mas pinagkakatiwalaang bansa ng mga Pilipino ay lumabas na. Amerika pa rin ang mas pinagka­katiwalaan ng mayoryang Pinoy kasunod ang Canada at Japan. Mababa naman ang tiwala ng mga Pilipino sa China at Russia, mga bansang kinakaibigan nang husto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ganito ang resulta kahit madalas tinitira ni P-Duterte ang Amerika at todo-puri naman ito sa China at Russia.

Palagi raw mataas ang tiwala ng mga Pilipino sa Amerika, mula pa noong 1994 at palagi rin daw mababa ang tiwala sa China, pero unti-unti itong tumaas sa ilalim ng administrasyong Duterte. Pinakamababa noong administrasyong Aquino na hindi umatras sa mga isyu ng South China Sea. Kapansin-pansin din na karamihan ng mga ipinagbawal ng Bureau of Immigration na maka­pasok ng bansa ay mga taga-China dahil sa kakula­ngan umano ng mga ito sa respeto at pagiging arogan­te sa mga opisyal ng Immigration sa NAIA. Ang hirap talaga kapag ang pakiramdam ng mga dayuhan ay dapat espesyal ang pagtrato sa kanila.

◘◘◘

Posibleng mali ang impormas­yong nakuha ni DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr., hinggil sa isyu ng pagre-renew ng passport ngayon. Ayon kay dating DFA Sec. Perfecto Yasay, Jr., imposibleng tangayin ng Francois-Charles Oberthur Fiduciare ang impormas­yong hawak na nila. Maaaring nasa Lipa, Batangas lang daw ito noong ilipat ang impormasyon doon. Dagdag pa ni Yasay, alam na raw niya na iligal ang ginawa ng bagong kontraktor, ang APO Production Unit na ibigay ang trabaho sa iba, ang United Graphic Expression Corporation (UGEC). Nangyari raw ito noong 2015, sa ilalim ni dating DFA Sec. Albert del Rosario. Hindi na raw muna siya magsasalita dahil may tiwala naman umano ito sa direksiyon ni Sec. Locsin. Gayunman, wala pang pahayag mula kay dating Sec. Alan Peter Cayetano.

Pero, noong binanggit daw ni Yasay kay Pangulong Duterte, hindi na pinalitan o gina­wan nang isyu dahil gugulo lang daw. Baguhin na lang daw ang proseso. Umalma naman si DFA Sec. Locsin na maling impormasyon ang ibinigay sa kanya. Kung hindi raw tinangay ng Oberthur ang impormas­yon, bakit hindi raw makuha ng DFA? Gaano ba kahirap makuha ang impormasyon kung talagang nand’yan pa at gugustuhin? Ilang taon na rin ang lumipas nang umalis ang Oberthur, 2014 daw nang pumasok ang APO, apat na taon nang lumipas, hindi pa rin nakuha ang impormasyon sa Lipa? Gayunman, mga kalihim ng DFA, noon at ngayon lamang ang makasasagot nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page