Mga kriminal wala nang takot — DILG | BITAY, NAPAPANAHON NA

TAHASANG ipinunto ni dating DILG Sec. Rafael M. Alunan III na ang mga kriminal ngayon ay wala nang kinatatakutan dahil ang batas natin ay wala nang bangis.
Partikular na tinukoy nito ang mga kaganapang krimen lalo na ang naging pamamaslang sa bowling coach na dating gold medalist noong 1992 World Youth Championship na si Angelo Nathaniel Constantino sa isang bowling center sa Greenhills, San Juan City nitong Biyernes.
“A culture of impunity has gripped society. Our laws are either obsolete, weak or toothless. Justice is either delayed or denied,” ani Alunan.
Ipinunto nito na ang batas sa kriminalidad at terorismo tulad ng Revised Penalty Code at ang Human Security Act ay dapat mapalakas at pabigatin ang mga sentensiyang kaparusahan sa iba’t ibang krimen.
Sa crimes against humanity tulad ng murder, drugs, terrorism, plunder, ecological destruction at human trafficking ay kailangan aniya na muling ibalik ang bitay o ang death penalty.





Comments