Malaysian, timbog sa pekeng PH passport

ARESTADO sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Immigration officer ang isang Malaysian national matapos gumamit ng pekeng Philippine passport.
Kinilala ni Immigration Port Operations Chief Grifton Medina, ang pasahero na si Toong Yuen Chin, 36, nagtangkang umalis noong Enero 11 subalit, na-intercept sa NAIA Terminal 3 at pasakay ng Air Asia Flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Napag-alaman na ang Philippine passport na gamit ng nasabing dayuhan ay nakapangalan sa isang Jacky Cruz.
Naghinala ang opisyal ng Immigration nang hindi mabasa ng kanilang machine kaya roon na siya inimbestigahan at umamin naman sa tunay na pagkatao nito.
Sinasabing sadyang handa ang dayuhan sakaling usisain siya dahil sa mga dala nitong documents kabilang na ang PhilHealth card at birth certificate na nakasaad na siya ay isinilang sa Sta. Ana, Manila.
Ikinulong sa Immigration detention cell sa Bicutan, Taguig ang suspek habang inihahanda ang deportation proceeding laban sa dayuhan.





Comments