top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kung maaaring mag-produce ng kopya ng libro ang library kahit walang authorization galing sa may-ak

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Mayroong libro sa silid-aklatan ng pa­aralan namin na malapit nang masira. Hindi makabili ang library namin ng ba­gong kopya nito sa­pagkat bihira lamang ang nagbebenta nito. Maaari bang library na lamang namin ang mag-reproduce ng kopya ng nasabing libro sa pamamagitan ng pagpapa-photocopy nito para maiwa­san ang tuluyang pagkasira nito? — Jay Christopher

Dear Jay Christopher,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 188.1 ng Republic Act (R.A.) No. 10372 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines kung saan naka­saad na:

“188.1. Notwithstanding the provisions of Subsection 177.6, any library or archive whose activities are not for profit may, without the authorization of the author of copyright owner, make a single copy of the work by reprographic reproduction:

a. Where the work by reason of its fragile character or rarity cannot be lent to user in its original form;” (Binigyang diin)

Samakatwid, maaa­ring mag-produce ng kopya ng nasabing libro ang silid-aklatan ng inyong paaralan kahit na walang authorization galing sa may-akda nito dahil ang nasabing libro ay malapit nang masira at bihira na lamang ang nagbebenta ng kopya nito.

Nawa ay nasagot namin ang inyong kata­nungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay naka­base sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkaka­in­tindi namin dito. Maaa­ring maiba ang opinyon kung mayroong karag­da­gang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page