top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kawatan nanlaban, utas sa parak

Levi Gonzales
Jan 16, 2019
1 min read

PATAY ang umano’y notoryus na magnanakaw matapos manlaban sa kapulisan sa Maharlika Highway, Bgy. Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, alas-12:30 ng hatinggabi, isang tawag ang natanggap ng pulisya kaugnay sa nakawang nangyayari sa Colmax Hardware.

Agad silang kumilos at pinuntahan ang lugar kung saan naabutan nila ang suspek na si Jeric Aureada, 35, ng Bgy. Dalahican.

Akmang huhulihin nila ito nang bumunot umano ng baril saka nagpaputok sa kanila dahilan ng pagganti ng mga awtoridad na ikinamatay nito. Narekober sa insidente ang kalibre .38 na baril, cutter sa bubungan at isang sachet ng pinatuyong marijuana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page