top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kapalit ng birth certificate ng anak — Kamara | MGA MAGULANG, OBLIGADONG MAGTANIM NG 2 PUNO KADA BEY

  • Vyne Reyes
  • Jan 16, 2019
  • 1 min read

PINAGTIBAY na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ang panukalang-batas na la­yong obligahin ang mga magulang na magtanim ng dalawang puno sa bawat sanggol na isisi­lang sa kanilang pamilya.

Sa botong 208 at wa­lang pagtutol, lusot na ang House Bill 8727 o Family Tree Plan­ting Act na layong maka­pag­takda ang pamahalaan ng mga polisiya na poprotekta sa karapatan ng mga Pilipino na magkaroon ng balanse at malusog na ekolohiya.

Sakaling tuluyang ma­ging batas, itatanim ng mag-asawa ang puno sa kanilang bakuran o sa lugar na itata­laga ng kani­lang Barangay Council na inaprubahan din ng De­partment of Environ­ment and Natural Resources (DENR).

Nakasaad pa sa panu­kala na ibibigay lamang ng city o Municipal Local Civil Re­gistry ang Certi­ficate of Live Birth ng bata kapag naka­pagtanim na ng puno ang mga magu­lang nito.

Aprubado na rin sa ple­naryo sa botong 208 at wa­lang pagtutol ang House Bill 8728 o Gradua­tion Legacy for the Envi­ron­ment Act na nag-oob­liga sa lahat ng mga es­tudyanteng magtatapos sa elementarya, high school at kolehiyo na magtanim ng hindi bababa sa 10 puno bi­lang pre-re­quisite para maka-gra­duate.

Sa ilalim ng panukala, ang mga puno ay kaila­ngang maitanim sa kahit alin sa mga sumusunod: mga forest land, bakawan at iba pang protec­ted areas; mga ances­tral do­main; mga civil at mi­litary reservation; sa mga lung­sod, gayundin sa mga hindi na aktibo at abando­nadong mi­nahan at iba pang naaangkop na lu­pain.

Kailangan umano na ang mga punong itatanim ay naaangkop sa lokas­yon, kli­ma at topograpiya ng lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page