Kaaway, binantaang ipapapatay | NASA AKIN ANG TIWALA NG BUONG ‘PINAS! — KRIS
- Anj Cabilla
- Jan 16, 2019
- 2 min read

KAPANSIN-PANSIN ang pagbabago ng sagot ni Kris Aquino patungkol sa audio record na kumakalat ngayon sa social media kung saan ay binantaan niya ang buhay ng dating managing director ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na si Nicko Falcis, na sinampahan niya ng kaso dahil sa ginawa diumano nitong pagnanakaw sa kanya ng P1.2 million.
“‘Wag ka nang bumalik sa Pilipinas. Ipapapatay ka ng pamilya ko. You know what’s wrong with me? May lupus ako, Nicko! Dare to step in this country and you will be dead. The entire Philippines trust me,” ang banta ng Queen of All Media kay Nicko sa kumakalat na audio record.
Matapos kasing aminin kahapon (January 15) nang madaling-araw na siya ang kausap ni Nicko sa audio record, kasabay ng pagkuwestiyon niya kung bakit hindi siya pormal na sinampahan ni Nicko ng reklamong grave threat, kapansin-pansin kahapon ng umaga na biglang nag-iba ang timpla ng hangin at binura na ng Queen of All Media ang kanyang naunang post saka sinabing ginawa at ikinalat lang daw ito para siraan siya.
“#dontbeasawsawero #dontmakesawsaw Kalurx kasi ‘yung in much need of a workshop because ‘yung voice acting kulang (at least ako drama queen ang pintas ng trolls and may guessing game na kung kailan papatak ang tears on TV),” ang panimula ni Kris.
Ayon kay Kris, ikinalat lang daw ito para bilugin ang utak ng mga tao, at isa lang daw itong “Bluff provoked by anger & fear because of my awful health diagnosis.”
“I know I should be repentant pero ang hirap talaga kasi nga magna cum laude sya na inside out ng life ko alam. So i know he knew his level of guilt & my inability to make good on my ‘threat,’” dagdag pa niya.
Naniniwala rin ang Queen of All Media na isa lamang itong demolition job ng ilang personalities na gustong maghiganti sa kanya, in terms of politics. Aniya, “Sadly, this has been 1 badly orchestrated demolition job being funded by personalities out for political revenge.
“I’ll own na kasalanan ko ‘to. ‘Di ba kung ang tabihan mo may kuto, sure nang mahahawahan ka? Unforgivable for me? Their timing- now that I am so physically weak. Oh well, bilog ang mundo,” pagtatapos ni Kris.





Comments