Empleyado ng LTO, niratrat ng riding-in-tandem
- Jeff Tumbado
- Jan 16, 2019
- 1 min read
PATAY ang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) makaraang tambangan ng riding-in-tandem sa Kidapawan City.
Batay sa ulat, nakilala ang biktima na si Orville Abalos, 38, licensing officer ng LTO at residente ng Magsaysay, Davao del Sur.
Ayon kay Police Chief Insp. Johnny Rick Medel, nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng riding-in-tandem na sumusunod sa kanya.
Agad nasawi ang biktima dahil sa rami ng tinamong tama ng bala sa katawan.
Patuloy ang imbestigasyon sa krimen at inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.





Comments