Bebot tepok sa trak
TACURONG CITY—Isang babae ang namatay nang aksidenteng mabangga ng trak, kamakalawa sa national highway ng Bgy. Buenaflor sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na si Jenny Son, residente ng Bgy. Labangal, General Santos City.
Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada si Son nang aksidenteng mabangga ito ng trak na minamaneho ni Winter Palomo, nakatira sa Bgy. Raja Muda, sa nasabing lungsod.
Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente si Son, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Palomo.





Comments