top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

4 miyembro ng ativan gang, tiklo

  • Mylene Alfonso
  • Jan 16, 2019
  • 1 min read

DAKIP sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS) ang apat na miyembro ng Ativan Gang, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Manila.

Nasa kustodiya ng MPD-GAIS, ang mga suspek na sina James Soriano, 54, residente ng Tatalon, Quezon City; Michelle Wenceslao, 34, residente ng Bagong-Ilog, Pasig City; Analyn Castro, 39, ng Muntinlupa City at Elma Matas, 39, ng Bgy. Punta, San Narciso, Quezon Province.

Ayon kay PC/Insp. Henry Navarro, alas-7:00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa Ibarra St., Blumentritt, Sampaloc, Manila matapos ang ibinigay na impormasyon ng isang testigo.

Nangyari umano ang insidente noong Enero 13, kung saan kinaibigan umano ng mga suspek ang biktimang si Li Wei Yang, 35, Chinese at nanunuluyan sa Makati Avenue, Makati City habang namamasyal ito sa Intramuros hanggang sa yayaing makipag-inuman.

Nalaman na huli na umano nang makita ng biktima na ang ininom nitong alak sa baso ay may Ativan tablet hanggang sa magawa ng mga suspek na makuha ang ATM card ng biktima at nagkaroon ng mga hindi awtorisadong withdrawal na umabot sa mahigit P100,000.

Nang maaresto ang mga suspek, nakunan pa ang mga ito ng patalim na paglabag sa RA 7166 at Comelec Resolution 10429 dahil sa pagdalala ng deadly weapon sa panahon ng election period.

Sinampahan na rin ng kasong theft thru drugging (Art. 308 ng Revised Penal Code), paglabag sa Access and Device Act kilala bilang Sec. 9 ng RA 8484 sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek.

Ayon kay Navarro, ang mga suspek ay dati nang nasangkot sa serye ng pag-Ativan sa ilang mga dayuhan at may mga kaso na ring naisampa sa hukuman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page