TV host, after ibulgar ang mga sakit… KRIS, IPINAGPAPAMISA NG MGA FANS
- Nitz Miralles
- Jan 15, 2019
- 1 min read

SA bawat posts niya sa socmed, laging pinasasalamatan ni Kris Aquino ang mga followers at supporters niya na tuluy-tuloy ang dasal sa kanyang mabilis na paggaling. May mga nagpamisa pa nga at may mga nagri-research din at nagsa-suggest ng dapat gawin ni Kris.
Very proud si Kris sa support team ng doctors niya na lahat ay Filipinos, maging ang mga surgical nurses.
Marami ring celebrity friends si Kris na nag-message na gumaling na siya at mababasa ang mga pangalan nila sa Instagram (IG) ni Kris. Kabilang si Angel Locsin sa mga mapi-feel ang genuine love and concern para kay Kris.
Mas maganda pang balita ang nabanggit ni Kris na after her bed rest kahapon, okay na ang lagay niya ngayon. Ilang araw pa at puwede na siyang bumalik ng Pilipinas.
Na-trace na rin ang cause ng migraine at high BP ni Kris at nabigyan siya ng tamang gamot sa kanyang mga sakit. Ang ibang sakit, kailangan ng quarterly checkup and hopefully, maging maganda rin ang kalabasan. Ang ibang resulta ng medical evaluation ay clear, kaya masayang uuwi ng bansa si Kris.





Comments