Para sa newly grad | LIBRENG REQUIREMENTS SA TRABAHO, LUSOT NA

INAPRUBAHAN na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang-batas na maglilibre sa mga bagong graduate sa anumang bayarin o singilin sa mga dokumentong kinakailangan sa trabaho.
Sa ilalim ng House Bill 172, inaatasan nito ang lahat ng ahensiya ng gobyerno kasama ang Government Owned and Controlled Corporations at Local Government Units, na huwag mangolekta ng fees o iba pang charges sa mga bagong tapos na mag-aaral. Karaniwan na naniningil ng bayad ang gobyerno para sa mga dokumento sa pagkuha ng ID, clearance at iba pang certificate na hinihingi ng mga kumpanya. Hindi kasama sa naka-waive ang kinokolektang bayad para sa aplikasyon sa pagkuha ng professional licensure examination ng Professionals Regulations Commission at ng pasaporte.
Kailangan lamang magsumite ng kopya ng diploma o certification ang bagong graduate at dapat ay malinaw ang petsa nito bago mapayagan na mai-wave ang pagbabayad.
May bisa ang waiver sa loob ng isang taon matapos makapagtapos sa highschool, kolehiyo o kahit anong vocational at technical course.





Comments