top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lahat daw gagawin… AI AI, BABU SA SHOWBIZ MABUNTIS LANG NG BATAMBATANG MISTER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2019
  • 1 min read

DESIDIDO na ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na ngayong 2019 ay gawin na ang naantalang baby project nila ng kanyang mister na si Gerald Sibayan.

Inaayos na ni Ai Ai ang kanyang schedule upang bigyan ng panahon ang paghahanda para mabuntis this year. Bawas muna siya sa workload at isasakripisyo ang mga shows/concerts na puwede niyang gawin.

Mas prayoridad ng Comedy Queen ang pagkakaroon nila ni Gerald ng anak. Pahinga at bakasyon ang unang requirement upang maikondisyon ang kanyang katawan at maging successful ang kanyang baby project.

At this point of her life, hindi na kailangan pa ni Ai Ai na kumayod nang todo-todo at ma-stress sa trabaho. Nasa mabuting katayuan na ang kanyang mga anak na sina Sancho at Sofia. Secured na ang kanilang magandang future.

Ang kanya namang mister na si Gerald ay patuloy na nagpupursige at ngayon ay nag-aaral upang maging certified pilot.

Anak na lang ang kulang sa kanila ngayon. Sabik na rin si Ai Ai na magka-baby. Madalas na kasama ito sa kanyang mga dasal. Kaya handa siyang gawin ang lahat upang magkaroon ito ng katuparan.

Sa panahon ngayon ng makabagong technology, wala nang imposible!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page