top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Karapatan ng motorista sa isinasagawang checkpoint, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 15, 2019
  • 1 min read

OPISYAL nang nagsimula ang Election Season kamakalawa, Jan. 13. Kapag ganitong election period, ibig sabihin, umaarangkada na ang Comelec checkpoints at nakabantay na ang ating kapulisan sa mga pasaway na nagdadala ng mga baril na walang karampatang exemption dahil gun ban na.

Ibig sabihin, bawal ang baril ngayon sa labas, kesehodang ito ay lisensiyado at may permit-to-carry firearms outside residence. Pero, siyempre, mayroong mga exempted sa ban, lalo na ‘yung mga indibidwal na ang pakiwari nila ay under threat ang kanilang buhay.

Pakiusap lang, huwag maging pasaway, iwan na ang inyong mga baril sa bahay at nang wala ng aberya.

Take note, sa ating mga motorista na mahaharang sa checkpoint, dapat alam ninyo ang inyong mga karapatan. Anu-ano nga ba ang mga ito?

Unang-una, hindi kayo obligado na buksan ang inyong bintana at pinto, lalo na ang inyong compartment. Malinaw ang nakasaad sa panuntunan na “plain-view doctrine” lamang ang dapat pairalin ng ating kapulisan.

Kailangan din properly identified ang mga nagmamando ng checkpoint, dapat nakauniporme at may name tag. Dapat nasa maliwanag na lugar ang checkpoint.

Habang tayo ay papalapit sa checkpoint, aba, magdahan-dahan na sa pagmamaneho. I-dim na ang headlight ng ating sasakyan at buksan ang ilaw sa loob ng kotse.

Isa pa, wala ring body search, ha? Unless may reasonable ground na makita ang mga mamang pulis. Lalong bawal magbigay ng pangkape o pangmeryenda sa mga pulis na nagmamando ng checkpoint. In other words, mga mamang pulis, walang extortion, ha?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page